Baka Bukas

0
(0)

Sobrang init, nilalamig ako
Sobrang lamig, nag-iinit ako
Hindi ko maintindihan anong nararamdaman
Hindi ko maintindihan bakit nararamdaman

Gusto ko sanang ipikit ang aking mga mata
Hinihiling na sana wag nang dumilat pa
Pinapanalangin na sana wala ng bukas na maaabutan
Sana bukas wala na

Ang hirap mabuhay na alam mong gusto mo lang ay mamamatay
Bawat paghinga nawawalan na nang saysay
Wala ng saysay

Gumigising sa umagang nadidismaya
Kasi bakit nagising pa
Papasok sa trabahong kunyari kaya pa
Kahit umaayaw na
Ayaw ko na

Para saan ba, para saan pa
Sinusubukang baguhin ang iniisip
Sinusubukang baguhin kung paano mag-isip
Ngunit walang makitang dahilan na bukas
Baka bukas gusto ko na ulit mabuhay

Average rating 0 / 5. Vote count: 0

No votes so far! Be the first to rate this post.

Please complete the required fields.


Leave a Reply

You do not need to fill in the Name field.